top of page

Sino ba si Lance Abellon?
Si Lance Abellon ay ang nasa likod ng kolektibang Laya Philippines, isang grupo ng mga spoken word artists at mga musikero na nabuo noong 2017. Nakapaglimbag na ng liman na aklat ng mga tula na may mga pamagat na, “Biag (Buhay): Mga Tula, “Ayat” (Pag-Ibig): Mga Tula, “Biyahe”, "Tahan" at "Ang Mga Lugar Ay Hindi Mga Lugar Lamang". Mapakikinggan rin ang kanyang mga tula sa Spotify at iba pang streaming platforms.
Nakapagtanghal na siya sa ilang mga media outfits at ilang organisasyon ng bansa katulad ng One PH, iFM 93.9, Barangay LSFM 97.1, DWIZ, MOR Entertainment ng ABS-CBN, at UP Likhaan Institute of Creative Writing. Naging bahagi siya ng Pasinaya Open House Festival na inorganisa ng Cultural Center of the Philippines. Sa kasalukuyan, ang kanyang mga tula ay mapakikinggan tuwing Lunes sa Dr. Love Radio Show sa 105.9 True FM, sa pangunguna ni Bro. Jun Banaag, OP.
Kumukuha ngayon ng kanyang Masterado sa Malikhaing Pagsulat sa Filipino sa Unibersidad Ng Pilipinas-Diliman. Nagtatanghal at nagmamahal. Para sa Diyos, sining, kultura, at bayan.
bottom of page
