top of page
Search

ALON

  • Writer: Lance Abellon
    Lance Abellon
  • Jun 25, 2024
  • 1 min read

Ang alon ay tila isang kamay na sagana sa pag-ibig. 

Handa niyang kumutan ng pagkalinga ang mga pusong nangangtog sa lamig. 

Waring isang lunas na maaring humilom ng sakit. 

Ang kanyang paanyaya ang magsisilbing mga munting bulong. 

Katulad ng mga alon sa karagatan, 

matutuhan sana nating salubungin ng yakap at tapik 

ang mga pusong lagalag na nahanap 

tayong kanilang marapat na pagbalingan ng pahinga 

ang kanilang mga pagod at pagal na mga paa. 

Hindi man natin natin sila maaring masamahan palagian, 

ngunit iparamdam natin sa kanila 

ang ating mga kamay na handang akapin 

ang kanilang mga hikbi at ang ating mga pandinig 

para sa kanilang pagtatanong.

Kahit man lamang sa mga munting segundo ng tawag sa telepono. 

Hayaang ang ating tinig ang kanilang maging pahinga kahit saglit. 

Maging bukas tayong pantalan sa kanilang kagustuhang mamalagi

at lumayo mula sa ingay at salimuot ng mundo. 

Paminsan minsan, katulad tayo ng mga alon, 

lumilisan sandali para maghanap ng kaunting kislap 

at mga dahilan para muling makangiti, 

Maaring sa bingit at kalagitnaan, 

maari tayong magkamali, 

Subalit maaring sa ating pagbalik 

ay maging malakas tayong muli. 

Katulad ng mga alon, nawa patuloy tayong magpabalik-balik 

sa mga danas na sa atin ay maka-ilang ulit nang sa atin ay nagpagguho at bumuo. 

Ganito rin tayo noon, 

Minsang humantong na hinanap ang kabuluhan at saysay 

ng ating paghinga sa mundo, 

na dahil sa pagpiling magpatuloy at tumindig, 

nanatili tayong buo. 


2024

Abellon

 
 
 

Recent Posts

See All
ODA SA BUHAY

Para sa mga umagang sumisilay na nagtatakda ng pagbangon hindi lamang sa kama kundi para sa panibagong paglalayag Sa mga tapik sa balikat...

 
 
 
HABANG PAUWI

Lagi tayong umuuwi bitbit ang mga aral at danas ng araw na nagwakas. May mga beses na tinangka ang pagbitaw at pagsuko, subalit may mga...

 
 
 
Kung Nakamamatay Ang Pag-Ibig

Kung nakamamatay ang pag-ibig,  marahil kapag nilunod nito ang iyong puso sa sakit,  sa hindi malamang mga dahilan ng biglaang pagbitaw,...

 
 
 

Comments


Created by Lance Abellon. Proudly created with Wix.com

bottom of page