Kung Nakamamatay Ang Pag-Ibig
- Lance Abellon
 - Mar 20
 - 1 min read
 
Kung nakamamatay ang pag-ibig,
marahil kapag nilunod nito ang iyong puso sa sakit,
sa hindi malamang mga dahilan ng biglaang pagbitaw, pagkapit at paglayo.
Kung nakamamatay ang pag-ibig, siguro ay marahil walang salita ang
maaring makapaglarawan ng sukdulang pagkahumaling at pagkabuo ng puso.
Kung nakamamatay ang pag-ibig,
marahil magagawa nitong patahimikin ang pangamba
at pagdududa sa sarili sa kakayahang magmahal at mahalin pabalik.
Kung nakamamatay ang pag-ibig,
Marahil ito ay ilimutin ng nagmamahal ang kanyang sarili
para sa ikagiginhawa at ikapapayapa ng iba.
Kung nakamamatay ang pag-ibig,
bakit ang pagkawasak, ay nagiging buo?
Kung nakamamatay ang pag-ibig,
bakit ang nagmamahal,
ay nagagawa siyang buhayin nito?

Comments