top of page
Search

PANUNUMPA

  • Writer: Lance Abellon
    Lance Abellon
  • Mar 20
  • 1 min read

Itataas ang kanang kamay. 

Ipipikit ang mga mata. 

Iingatan ang puso na huwag kaligtaan 

ang mga bagay na mananatili at mahalaga. 

Magiging mas mapagtimpi, 

pakakawalan ang pagdududa. 

Matutong mangarap nang matayog 

at hindi magmimithi nang maliit. 

Kung mabigo, hindi mangingiming sumubok ulit. 

Mas pipiliing magpatuloy na akapin ang kabuuan. 

Magmamahal nang walang inaasam na anuman. 

Hahayaan ang tadhanang magbalik ng aking pagbibigay nang walang pagsubali. 

Lagi’t laging maniniwala sa kapangyarihan ng pag-ibig na hindi handang bumitiw.

Anuman ang kahihinatnan, magiging mapagpasalamat 

sa pagkakataong 

nakapag-unat ng mga bisig 

na naging kanlungan nila 

sa oras ng walang katiyakan. 

Na pananatilihin ang puso na maging tahanan na handang tanggapin ang mga nawawalan. 

Magiging kamay na tatapik sa kanilang mga balikat sa mga sandali ng kalituhan.

Na magiging mga mata, na lagi silang susubaybayan at iingatang lagi. 

Magiging mga paa, na tutulungan silang humakbang, at mangarap muli. 

 
 
 

Recent Posts

See All
ODA SA BUHAY

Para sa mga umagang sumisilay na nagtatakda ng pagbangon hindi lamang sa kama kundi para sa panibagong paglalayag Sa mga tapik sa balikat...

 
 
 
HABANG PAUWI

Lagi tayong umuuwi bitbit ang mga aral at danas ng araw na nagwakas. May mga beses na tinangka ang pagbitaw at pagsuko, subalit may mga...

 
 
 
Kung Nakamamatay Ang Pag-Ibig

Kung nakamamatay ang pag-ibig,  marahil kapag nilunod nito ang iyong puso sa sakit,  sa hindi malamang mga dahilan ng biglaang pagbitaw,...

 
 
 

Comments


Created by Lance Abellon. Proudly created with Wix.com

bottom of page