top of page
Search

BAGO

  • Writer: Lance Abellon
    Lance Abellon
  • Jun 25, 2024
  • 2 min read

Lahat tayo sa anumang aspeto, gusto ng bago. 

Bagong gamit, bagong buhay. Bagong bahay, 

bagong kabanata. Bagong simula. 

At lahat tayo aminin na antin sa isang banda, ay nanggaling tayo sa nakaraan. 

Nakaraang pilit nating tinatakasan para kumbinsihin ang sarili na hindi dahil, kailangan 

kundi dapat para mapagtakpan ang tunay na lagay ng isipan. 

Subalit minsan, magpapaulit-ulit siyang dadalaw sa'yo. 

Kukumbinsihin kang wala nang bago pang bagay kang maaring maranasan,

tutulak sa’yong magpabulid na lamang sa kanyang piitan. 

Maraming beses na puno ka ng pagsisisi 

at pagpapalagay sa sarili na huli na ang lahat. 

Na marahil sa iyong palagay ay hindi ka kamahal-mahal at sapat. 

Subalit mayroon akong katotohanan na marapat mong malaman. 

Na ang bawat isa, gaano man karumi ang pinagdaanan, 

ay maari pang mabalikan ang dahilan kung bakit nga ba tayo patuloy sa pag-iral. 

Halimbawa na lamang na kung papaano napagtagumpayan ng Manunubos 

ang kanyang pagtubos sa kasalanan ng sangkatauhan. 

Na kung papaano ba niya pinasan ang bawat paghihirap para lamang 

ang ating mga puso ay mapagaan ng Kanyang pagmamahal na hindi kailanman mapaparam. 

Nagpapaalalang hindi pa huli ang lahat para magsimula ka ng bago. 

Na ang bawat isa, ay hindi perpekto. 

Ang dati mong pagkagguho ay maaring maging bagong pagkatao. 

Maari ka pang makabalik sa daang una mong nilakaran. 

Bagong pananaw, bagong pag-asa, 

bagong pagkakataon para tayo ay tuluyang makausad. 

Ipaalala sa sarili na hindi hadlang ang ating nakaraan para masimulan ang isang bagong kabanata. 

Kakabit ang Kanyang ng palagian Niyang pag-antabay at pag-akay sa tuwina. 

Hindi pa huli ang lahat. 

Hayaang ang tadhana at pagkakataong 

ang magsulat ng isang panibagong kuwento 

na Siya ang may-akda. 

Salubungin mo ang isang bagong simula. 


Abellon

31 Marso 2024

Linggo Ng Pagkabuhay

 
 
 

Recent Posts

See All
ODA SA BUHAY

Para sa mga umagang sumisilay na nagtatakda ng pagbangon hindi lamang sa kama kundi para sa panibagong paglalayag Sa mga tapik sa balikat...

 
 
 
HABANG PAUWI

Lagi tayong umuuwi bitbit ang mga aral at danas ng araw na nagwakas. May mga beses na tinangka ang pagbitaw at pagsuko, subalit may mga...

 
 
 
Kung Nakamamatay Ang Pag-Ibig

Kung nakamamatay ang pag-ibig,  marahil kapag nilunod nito ang iyong puso sa sakit,  sa hindi malamang mga dahilan ng biglaang pagbitaw,...

 
 
 

Comments


Created by Lance Abellon. Proudly created with Wix.com

bottom of page