top of page
Search

IKOT

  • Writer: Lance Abellon
    Lance Abellon
  • Jun 25, 2024
  • 2 min read

Gigising. Kakayod. 

Magsisisikap. Mapapagod. 

Ganito ang kadalasang tagpo sa bawat araw ng pakikibaka. 

Mga sandaling tila mga eksena sa palabas na laging nakikita. 

Ang iba, marahil nagsisimula pa lamang sa paglalalayag. 

May iba namang tila ang bawat sandali ay kabisado na parang isang ritwal. 

Gigising. Isa bagay na marahil sa una ay katatamaran, 

Mga sandaling hindi nating ramdam ang 

sa dahilang maaring hindi natin alam ang bawat kahihinatnan. 

Pauulanin ang sarili ng mga tanong at pangamba na baka muling magkamali sa ginagawa. 

Ang pagbangon ay ang pagsisimulang magtiwala na ang nakaraan ay natapos na, at ang sandaling ito ay panibagong simula. 

Panibagong pagkakataon na maraming mga aral ang mapupulot sa kung saanman. 

Mga sandaling may makadaupang-palad tayong magpapaalala ng paglingon sa ating pinagmulan. 

Kakayod. 

Mga sandaling ang tanging isipin lamang ay ang maiangat ang sarili sa dating anyo. 

Dala ang sariling sulo na taglay ang alab na dala-dala sa bawat yugto. 

Ilang beses kang madadapa, masusugatan sa bawat pagkakamali. 

Pagisisihan ang mga bagay na maaring hindi mo nagawa sa huli. 

Subalit, hindi ka dapat mangimi. 

Magsisikap na muling tumindig sa kabila ng napakaraming mga hadlang. 

Magsisikap na ituwid ang bawat baluktot na paniniwala at mga hakbang. 

Itatatak sa isip na ang bawat yugto ay may 

kalakip na dunong na sa atin ay magtuturo 

Na ang buhay ay isang malawak na pamantasan, 

at ang bawat danas natin ay tagumpay ang tungo. 

Buksan ang puso at ang mga palad.

Pahintulutan ang sarili na parating magpatawad.

Ang buhay ay patuloy lamang sa pag-ikot, 

Kaya alamin ang tunay na sa atin ay magpagpapaligaya, 

Tandaan na sa landas na tama at sa katototohanan, tayo ay magiging malaya. 


Unti-unti mong hanapin ang sarili himig. 

Paunlarin ang sariling pagkatao. 

Parating itanim sa puso ang pag-ibig 

At matutuhang maging kuntento. 

Mapapagod ka marahil subalit hindi hihinto. 

Magpapahinga lamang sandali para muling maging buo. 

Na sa pag-ibig ay magiging laging puno.

Gigising. Kakayod. Magsisikap. Mapapagod, ngunit hindi susuko.

 

Marahil mahaba ang lakbayin, 


ngunit hindi ang mga hikbi. 

Maiksi lamang ang buhay kaya wag sayangin ang sandali. 

Laging umagang aakay sa atin na magsimulang muli.


2024

Abellon

 
 
 

Recent Posts

See All
ODA SA BUHAY

Para sa mga umagang sumisilay na nagtatakda ng pagbangon hindi lamang sa kama kundi para sa panibagong paglalayag Sa mga tapik sa balikat...

 
 
 
HABANG PAUWI

Lagi tayong umuuwi bitbit ang mga aral at danas ng araw na nagwakas. May mga beses na tinangka ang pagbitaw at pagsuko, subalit may mga...

 
 
 
Kung Nakamamatay Ang Pag-Ibig

Kung nakamamatay ang pag-ibig,  marahil kapag nilunod nito ang iyong puso sa sakit,  sa hindi malamang mga dahilan ng biglaang pagbitaw,...

 
 
 

Comments


Created by Lance Abellon. Proudly created with Wix.com

bottom of page