Higit
- Lance Abellon
 - Jun 25, 2024
 - 1 min read
 
Ang pag-ibig ay higit pa sa mga matatamis na tsokolate,
mga bulaklak at sa pagpapahayag ng mga labi
ng mga pangako ng hindi pagbitaw.
Kundi ang pag-ibig, ay kaakibat nito
ang pagpapakasakit, na hindi unahin ang sarili,
kundi ang kapakanan ng iyong kapareha.
Hindi nito nakatanaw sa panlabas sa anyo.
Hindi nito tinitignan kung gaano na ba kalayo ang kanyang narating,
kundi sa kung gaano ba dapat kalayo ang kaya ninyong lakbaying dalawa nang magkasama.
Na kung saan hawak mo siya sa kanyang mga kamay,
At hawak ninyo rin ang puso ng isa’t isa.
Na siya ay mananatiling iyo, at ikaw naman sa kanya.
Matiyaga ito at hindi mapagtimpi.
Palalagpasin ang bawat mali at paiiralin ang pagpapatawad.
Hindi siya mananatiling bulag sa kasinungalingan.
Sinisimulan niyang likhain ang walang hanggan
sa palagiang pag-antabay sa kanyang pagkahulog,
para masalo mo siya gamit ang iyong mga kamay,
na nagpapahiwatig ng pag-aalaga.
Pagpapa-alaga sa kanya na maaring maghatid sa kanya
sa kapiraso ng langit na matagal na niyang hinangad.
Ang pag-ibig ay higit pa sa pagniniig sa dilim.
Higit pa sa palitan ng mga kataga.
Higit pa sa pagpapa-alaga.
Kundi marapat laging nakalagak sa puso ng bawat isa,
ang pagtataya ng sarili.
Hindi lamang ito nakakahon sa pag-intindi,
kundi laging naka-ugat sa pang-unawa.
At higit, ang pag-ibig ay hindi lamang isang pakiramdam.
Kundi isa itong pagpapapsiya.
Abellon | 14 Pebrero 2024

Comments