Puting Bandila
- Lance Abellon
 - Jun 25, 2024
 - 1 min read
 
Hindi lahat ng pagsuko ay pagkatalo.
Hindi lahat ng pagbitaw ay tuluyang pagkalas.
Hindi lahat ng pagtalikod ay tuluyang paglisan.
Hindi lahat ng pananahimik ay ang tuluyang hindi pagsasalita.
May pagsuko na hindi pagkatalo ang hatid.
May pagbitaw na nagpapahiwatig sa pagkapit sa pananalig.
May pagtalikod na ibig balikan
ang mga dahilan ng pag-iral,
at ang saysay ng buhay.
May pananahimik na ang ipakahulugan ay ang pakikinig sa Kanyang tinig,
na laging nakaugat sa pagyakap,
at pag-ibig.
Abellon
22 Hunyo 2024

Comments